- ri•ga•tó•nipng | [ Ita ]:pasta na may anyong maliliit at hungkag na túbo
- Ri•gelpng | Asn | [ Ing ]:pampitóng pi-nakamalakíng bituin na kulay bug-haw, at pinakamaningning sa konstelasyong Orion, halos animnapung libong beses ang ningning kompara sa araw
- right angle (rayt én•gel)png | Mat | [ Ing ]:ánggulong rékto
- ri•go•dónpng | [ Esp ]1:sayaw para sa magkapareha, may ka-kaibang palundag na hakbang, at karaniwang may mabilis na ritmo2:musika o ritmo ng musikang para sa ganitong sayaw
- ríg•or mór•tispng | [ Ing Lat ]:paninigas ng katawan pagkaraang mamatay
- Rig vé•dapng | [ San ]:sa Hinduismo, banal na teksto na naglalaman ng ko-leksiyon ng 1028 na imno sa sinau-nang Sanskrit at itinuturing na pinakamatanda at pinaka-mahalaga sa apat na Veda
- rí•lespng | [ carriles Esp ]1:isa sa pares ng bakal na bara na nagsisilbing daanan ng lokomotora at bagon ng tren2:permanenteng daanan na may ganitong pares ng bara
- rimpng | [ Ing ]1:nakaangat na panla-bas na gilid, hanggahan, o mardyin ng isang bagay, lalo na ng bilóg2:anumang gilid o balangkas na idinaragdag o inilalagay sa palibot ng isang bagay3:panlabas na gilid ng gulóng na nakakabit sa hub sa pamamagitan ng mga rayos at pinagsusuotan ng goma4:pabilóg na piraso ng metal na nagdurugtong sa gulóng at goma ng sasakyan, maaaring permanenteng nakakabit o natatanggal5:sa basketbol, pabilóg na metal na pinagkakabitan ng lambat upang mabuo ang basket6:sa metalurhiya, panlabas na suson ng mga metal na may komposisyong iba sa komposisyon ng metal sa loob o gitna7:bahagi ng salamin na naka-paligid sa mga lente8:linya na nagta-takda ng hanggahan
- rí•maspng | Bot:punongkahoy (Arto-carpus altilis) na malakí, masanga, may mga dahong umuusbong sa pa-ligid ng dulo ng mga sanga, at may bunga na parang maliit na langka na kulay lungti