- ri•wa•rápng:varyant ng diwará; ka-raniwang ginagamit para sa naging masâmang kapalaran, gaya ng napa-riwará, mapariwará
- rí•waspng | Bot | [ Iva ]:uri ng punongka-hoy na hitik sa dahon
- ri•yálpng | [ Ing ]:pangunahing yunit ng salapi sa Saudi Arabia, Qatar, at Yemen
- Ri•zálpng | Heg:lalawigan sa timog Ka-tagalugan ng Filipinas, Rehiyon IV
- Rizal, Jose (ri•zál, ho•sé)png | Kas:(1861 1896) pambansang bayani; awtor ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pangunahing Propagandista, pinag-hinalaang lider ng Rebolusyong Fili-pino, at binitay noong 30 Disyembre 1896
- Rizal Parkpng | Heg | [ Ing ]:malaking liwasang pasyálan sa Lungsod May-nila na kinapapalooban ng dating Luneta
- RNA,daglat | BioK | [ Ing ]:ribonucleic acid
- roach (rowts)png:upos ng nirolyong marihuwana
- roadblock (rówd•blak)png | [ Ing ]1:harang o barikada sa kalye, lalo na ang inilalagay ng awtoridad upang pigilin at siyasatin ang mga sasakyan2:kilos, aksiyon, kalagayan, o katu-lad na sagabal sa pag-unlad
- roast (rowst)pnd | [ Ing ]1:a maghurno b mag-ihaw c sa kape, isangag bago gilingin2:ilantad ang sarili o bahagi ng katawan sa init3:sa pagpaparusa, ilantad sa apoy o matinding init4:batikusin; tuligsahin
- roaster (róws•ter)png | [ Ing ]1:tao o bagay na nag-iihaw2:a pugon o plato na ginagamit na ihawan ng pagkain b ihawán3:anumang mainam iha-win, gaya ng manok, patatas, at katu-lad