solicitor (so•lí•si•tór) 1: abogado ng estado 2: tao na nangingilak ng abuloy 3: tao na nangangalap ng mga kasapi
só•lid 1: substance o lawas na buo 2: pagkaing hindi lusaw 3: lawas o magnitud na may tatlong dimensiyon
só•lid 1: matigas, buo, at matatag ang hugis; hindi likido 2: hindi hungkag na materyal o bagay 3: lubos na nagkakaisa
solidarity (so•li•dá•ri•tí) : pagkakaisa o kasunduan ng damdamin o aksiyon, lalo na ng mga tao na may iisang interes o layunin
solid solution (só•lid so•lú•syon) : materyal na solid na naglalamán ng isang substance na sumanib sa isa pa
solid state (só•lid is•téyt) : tumutukoy sa kasangkapang elektroniko tulad ng transistor o kristal na maaaring kumontrol sa koryente nang hindi gumagamit ng gumagalaw na bagay, pinainit na filamento, at espasyo ng vacuum