sún-ad 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, halámang-ugat na iniakát 2: paglalagà ng halámang-ugat o mais
sunburst (sán•berst) 1: anu-mang nahahawig sa araw at sa sinag nitó, lalo na ang mga palamuti o kuwitis 2: ang biglang pagsikat ng araw sa likod ng mga ulap
sundial (san•dá•yal) : instrumentong sumusúkat ng oras sa pamamagitan ng anino ng oraryo o minutero na mula sa síkat ng araw
sun•dô 1: kasunduan 2: pagtúngo sa saanmang kinaroroonan ng isang tao upang maisáma siya sa pook na patutunguhan 3: pagtapos sa isang gawain o proyekto