su•ót 1: pumasok o ipasok 2: maglagay ng damit sa katawan 3: masunog ang kanin 4: magkasundo ang mag-asawa
sú•pa 1: tabòng yari sa kawayan at ginagamit na inuman ng hayop 2: pagpapainom sa hayop sa pamama-gitan nitó 3: malakíng punong-kahoy (Sindora supa) na tuwid at na-kukuhanan ng dilaw na langis, katu-tubo sa Filipinas, karaniwan sa Luzon at Mindoro
su•pal•pál 1: anumang tumatakip sa bibig 2: anumang sápilitáng ini-lalagay sa bibig 3: hindi binigyan ng pagkakataong makapagsalita o maka-pagpaliwanag 4: palpál6
sú•per- : pambuo ng pangnga-lan, pandiwa, at pang-uri na nanga-ngahulugang a labis b napakataas na antas c napakagalíng o napakalaki
superconductivity (su•per•kón•dak• tí•vi•tí) : katangian ng kawalan ng resistance ng koryente na makikíta sa ilang substance na nása napakababàng temperatura
superego (su•per•í•go) : bahagi ng isip na gumaganap bílang konsensiya at tumutugon sa mga tinatanggap na pagkilos sa lipunan