- tat•ló’t wa•lâpng:laro ng kalalakíhan sa Katagalugan, inaayos nang naka-harap ang ibon ng tatlong barya bago ihagis, at kung lumapag sa sahig na tatlong tao ang mga barya, panalo ang tumira; panalo naman ang mga kalaban kung ibon ang lumabas.
- tat•lum•pûpng | Mat:bílang na nagsasaad ng tatlong beses na dami ng sampu
- ta•tôpng | [ Ing tattoo ]1:mahirap maburang marka o pigura na iti-natak sa katawan sa pamamagitan ng pagtutusok ng pangkulay o paglikha ng mga pilat2:ang paglalagay ng disenyo sa balát sa pamamagitan nitó
- tat•sápng | [ Esp tachar ]1:sísi1 o paninisi; pintas o pamimintas2:salungat o malîng opinyon
- tát•sin bá•kapng | Bot | [ Iva ]:eskobang báka.
- tat•sópng | [ Esp tacho ]:kasangkapang pinaglulutuan ng minatamis, gaya ng halaya, yarì sa tanso, may dala-wang taingang hawakán, at sapád ang puwit.
- tat•su•lókpng | Mat | [ tatlo+ang+sulok ]1:heometrikong anyo o hugis na may tatlong sulok at tatlong gilid2:alinman sa may tatlong gilid o tatlong sulok na pigura, area, bagay, at iba pa3:pangkat ng tatlo na magkakaugnay sa isang sitwasyon, gaya ng tatsulok ng pag-ibig
- tat•sú•longpng:gawaing minadali.
- tat•tá•yawpng | Zoo | [ Ifu ]:larva ng tutu-bing kiddang o kippul.
- tattoo (tá•tu)png | [ Ing ]1:senyas na likha ng tambol o trumpeta sa gabi bílang pagpapabalik sa kampo2:elaborasyon nitó na may musika at pagmamartsa, bílang isang pang-aliw3:maindayog na pagtapik o pagtambol4:
- tá•tuspng | Zoo | [ Iva ]:uri ng alimango na umaakyat punò ng niyog
- tâ-upng | [ Ifu ]:maputik at malalim na hukay sa payyo, karaniwang pina-mamahayan ng dalag.
- ta•úgpng | [ Ifu ]:tása ng alak; tásang panritwal na gawâ sa bao.