- ta•wu•tépng | [ Kap ]:bahagi ng ka-buuan.
- tax (taks)png | [ Ing ]1:kontribusyon sa kíta o pinagkikitahan ng estado na sapilitang ipinapataw sa mga indibidwal, ari-arian, o mga negos-yo; sapilitang pagbabayad ng per-sentahe sa kinita, halaga ng ari-arian, at iba pa bílang tulong sa pamahalaan at pamamalakad nitó2:isang uri ng pahírap sa búhay.
- tax amnesty (taks ám•nes•tí)png | [ Ing ]:pagpapatawad ng pamahalaan sa mga hindi nagbabayad ng buwis.
- taxation (taks•séy•syon)png | [ Ing ]:ang pagpapataw o pagbabayad ng tax.
- tax exemption (taks eg•sémp•syon)png1:pagiging libre sa pagbabayad ng buwis2:mga buwis na hindi kailangang ipagbayad.
- taxi (ták•si)png | [ Ing ]:pinaikling taxicab.
- taxicab (ták•si•káb)png | [ Ing ]:sasak-yang nagdadalá ng mga pasahe-rong nagbabayad sang-ayon sa halagang nakatalâ sa taksimetro
- taxonomy (tak•só•no•mí)png | [ Ing ]:agham ng pag-uuri, lalo na ng buháy at patáy na mga organismo
- taxpayer (taks•péy•er)png | [ Ing ]:tao na nagbabayad ng tax.
- ta•yápng | Med | [ ST ]:pagpapagaling ng pigsa sa pamamagitan ng paglulu-bog sa mainit na tubig.
- ta•yâpng1:salapi o halagang ipinag-sasapalaran sa isang laro o paligsa-han2:sa laro, ang kalahok na kailangang gumawâ ng ilang espi-sipikong bagay, karaniwan bílang parusa sa pagkatálo3:[Seb] kaláwang.
- tá•yapng1:pagpapasiya o pagsukat sa halaga, dami, lakí, o bigat ng isang bagay sa pamamagi-tan ng tingin, hawak, at paggamit lámang ng pandama2:[Ilk] sahod
- ta•ya•ánpng | [ Bon ]:biluhabâng bas-ket na may takip, parihabâ ang puwit, at pinaglalagyan ng bigas, damit, o anumang gamit sa bahay.
- tá•yabpng | [ Ilk ]:lutuang yarì sa luad, higit na maluwang ang bunganga sa bangâ.
- ta•yá•bakpng | Bot:matigas na baging, may kapansin-pansing bulaklak dahil sa kulay na mabughaw-bughaw na lungtian na 7 sm ang habà ng bawat isa, nakatikwas na parang tuka at nakakumpol sa tangkay, katutubo sa Filipinas