- teller (té•ler)png | [ Ing ]1:tagatanggap o tagabayad ng mga salapi sa isang bangko2:tao na nagbibiláng; taga-kuwenta.
- tell-tale (tél teyl)png | [ Ing ]1:tao na nagbubunyag ng mga impormas-yon hinggil sa pribadong búhay ng iba2:ang nagbubunyag o nagtatak-sil3:kasangkapan sa awtomatikong pagmonitor o pagrerehistro ng isang proseso, at katulad.
- tellurium (te•lú•ri•yúm)png | Kem | [ Ing ]:malutong, makináng, at pini-lakang mala-metalikong element (atomic number 52, symbol Te).
- te•lópnr | Mat | [ Mag Mrw ]:tatló
- te•lónpng | Tro | [ Esp ]:tábing sa entab-lado ng teatro.
- telophase (té•lo•féys)png | Bio | [ Ing ]:ang huling estado ng paghahati ng cell na nabubuo ang nuclei ng anak na mga cell.
- tem•bá•gapng | Mus | [ Tbo ]:gong na mabigat dahil sa tingga at bronse.
- tem•máwpng | [ Ilk ]:tagaytay sa buha-ngin.
- tém•perpng | [ Ing ]1:lagay ng kaloo-ban; pansamantalang disposisyon ng isip2:inis o galit3:
- tém•pe•rápng | Sin | [ Ing ]:metodo sa pagpipinta na gumagamit ng emul-siyon ng pinulbong pigment na karaniwang may halòng pulá ng itlog at tubig.
- tem•pe•ra•méntpng | [ Ing ]1:ugali1,2 o pag-uugali2:sistema ng pag-aareglo sa mga interval sa pagitan ng mga tunog ng isang instrumento na may takdang tono, upang ma-ging angkop sa lahat ng keys.
- tém•pe•ra•mén•talpnr | [ Ing ]:madalîng magálit o sumamâ ang loob.
- temperate zone (tém•pe•réyt zown)png | Heo | [ Ing ]:rehiyon o pook sa pagitan ng mga tropiko at antartiko
- tém•pe•ra•tú•rapng1:antas o tindi ng init ng isang lawas kaugnay sa iba, lalo na ang ipinakikíta ng ter-mometro o nadaramá sa paghipo2:antas ng pan-loob na init ng katawan