- thermochemistry (ter•mo•ké•mis•trí)png | [ Ing ]:sangay ng kemistri ukol sa kantidad ng init na nabubuo o nasisipsip kapag may kemikal na reaksiyon.
- thermodynamics (ter•mo•day•ná• miks)png | [ Ing ]:agham ng ugnayan ng init at iba pang anyo ng enerhi-ya.
- thermonuclear (tér•mo•núk•le•yár)pnr | [ Ing ]:kaugnay sa o gumagamit ng mga reaksiyong nuklear, hal fu-sion na nalilikha lámang sa matataas na temperatura.
- thermoplastic (tér•mo•plás•tik)pnr | Kem | [ Ing ]:hinggil sa mga substance na nagiging plastik kapag iniinit at tumitigas kapag lumamig, at may kakayahang ulit-ulit na magdaan sa naturang proseso.
- thermosetting (tér•mo•sé•ting)pnr | Kem | [ Ing ]:hinggil sa mga substance, lalo na ang sintetikong resin na tumitigas nang permanente kapag iniinit.
- thermostat (tér•mo•is•tát)png | [ Ing ]:kasangkapang awtomatikong ku-mokontrol sa temperatura, o nagpa-pagana sa isang kasangkapan kung ang temperatura ay umabot sa takdang púnto.
- Theseus (ti•sí•yus)png | Mit | [ Ing ]:anak ni Poseidon at asawa ni Phaedra; bayani ng Atenas na matagumpay sa napakarami niyang mahahala-gang gawâ.
- thespian (tés•pi•yán)pnr | Tro | [ Ing ]:kaugnay sa trahedya o drama.
- Thessalonian (té•sa•ló•ni•yán)png | Ant | [ Ing ]:katutubò o mamamayan ng Thessalonica.
- Thessalonians (té•sa•ló•ni•yáns)png | [ Ing ]:alinman sa dalawang aklat sa Bagong Tipan ng mga naunang su-lat ni San Pablo, sinulat mula Corinth hanggang sa bagong sim-bahan sa Thessalonica.
- Thessalonica (te•sa•ló•ni•ká)png | Heg | [ Ing ]:bayan sa hilagang silangang Gresya na nagsisilbing puwerto.
- thiamine (tá•ya•mín)png | BioKem | [ Ing ]:putî, kristalina, at natutunaw sa tubig na compound (C12H7CIN4 OS) na kabílang sa bitamina sa B complex, matatagpuan sa lungting kadyos at sa atay, mahalaga sa nor-mal na pagdaloy ng nervous system, at panlaban sa beriberi at ibang sakít sa nerve
- thickening (tí•ke•níng)png | [ Ing ]1:proseso ng pagpapalapot o maging malapot2:substance na ginagamit sa pagpapalapot sa likido.