- -tion (syon)pnl | [ Ing ]:pambuo ng pangngalan na nangangahulugang abstraktong kalagayan o aksiyon, hal revolution, starvation.
- ti•oy-óypnr | [ ST ]:buo at mahabàng bagay na tinanggalan ng dulo.
- tippng | [ Ing ]1:dulo, tulis, o tuktok, karaniwan ng payat at maliit na bagay, hal tip ng lapis2:maliit na halaga ng salapi bílang pabuya sa mabuting serbisyo3:espesyal o lihim na impormasyon, karaniwang nagbibi-gay ng maaaring maganap4:anu-mang impormasyon o idea5:marahang hampas.
- ti•pápng1:[ST] pagsukat sa pama-magitan ng nakaunat na palad at daliri2:pagtugtog ng instrumentong may teklado, gaya ng piyano, o paggamit ng katulad na kasangkapan, gaya ng makinilya
- ti•pákpng | [ Bik Kap Seb Tag War ]:malakíng piraso ng solidong bagay na natapyas mula sa isang higit na malakíng bagay; bahaging nahiwa-lay o natanggal
- ti•pákpnr | [ Kap Tag ]1:ti-nanggal ang isang malaking bahagi, gaya ng natipak na adobe2:nagkaroon ng malaking suwerte.
- ti•pak•lóngpng | Zoo:uri ng kulisap (family Acrididae, Tettigoniidae, at iba pa) na may dalawang pares ng malamad na pakpak at malakas na likurang paa para sa pagtalon
- ti•pánpng1:kasunduang makipag-tagpo sa isang tiyak na panahon at pook2:takdang-araw na napagkasunduan sa pagbabayad ng utang3:kasunduang magpakasal4:
- ti•pá•nanpng | [ tipán+an ]:petsa, oras o pook ng kasunduang magtagpo.
- tí•pa•núpng | Mus | [ Cuy Tbw ]:plawta na yarì sa kawayan, may anim na butas, at tinutugtog nang pahalang; plawtang yarì sa buho at hinihipan sa gilid.
- ti•pá•rakpng | [ Hil ]:maikling sibát.
- tí•paspng1:[Hil Kap Pan Seb Tag] pag-iwas na makasalubong ang sinuman2:pagputol nang bigla at minsan lámang.
- ti•páypng | Zoo | [ War ]1:alinman sa bivalve mollusk sa genus Argopecten at katulad, na lumalangoy sa pama-magitan ng biglaang pagsasará ng mga talukab nitó2:alinman sa mga hugis abanikong talukab nitó3:lamán ng gayong mollusk
- tí•paypng | [ Ilk ]:baras ng bakal na hindi pa nahuhulma.