- trab•yé•sapng | [ Esp traviesa ]:piraso ng kahoy na ihihahanay nang paha-láng at pinagkakabitan ng magka-bilâng bakal ng riles.
- trace (treys)pnd | [ Ing ]1:tuklasin, si-yasatin, o siyasatin o hanapin ang bakás2:sundan o markahan ang bakás3:
- tracheotomy (tra•ki•yó•to•mí)png | Med | [ Ing ]:operasyon sa paghiwa ng trachea upang isaayos ang bará sa paghinga.
- trachoma (tra•kó•ma)png | Med | [ Ing ]:nakahahawang pamamagâ ng matá na may mga butlig sa rabaw ng talukap.
- trachyte (tréy•kayt)png | Heo | [ Ing ]:pinong butil ng batóng igneous.
- track (trak)png | [ Ing ]1:tandâ o bakás na naiwan ng tao, hayop, o isang bagay na dumaan2:a pook ng karera na karaniwang bakô-bakông daan b ruta ng isang atleta sa paligsahan, lalo na sa pagtakbo3:seksiyon ng isang rekord, casette tape, at iba pa.
- track and field (trak end fild)png | Isp | [ Ing ]:pangkat ng isports na kina-papalooban ng mga pangunahing pisikal na aktibidad, tulad ng pag-lakad, pagtakbo, paglundag, at pag-hahagis
- tract (trakt)png | [ Ing ]1:lawak ng rehi-yon ng lupa, tubig, at iba pa2:tiyak na rehiyon o bahagi ng isang organ o sistema.
- trademark (tréyd•mark)png | [ Ing ]1:kasangkapan, salita, o kombinas-yon ng mga salita na isineguro ng isang kompanya sa pamamagitan ng legal na pagpapatalâ o pinatatag ng matagal na paggamit nitó at kumakatawan sa kompanya2:namumukod na katangian, at iba pa.
- trade union (treyd yún•yon)png | [ Ing ]:organisadong asosasyon ng mga manggagawa sa isang negosyo, kalakalan, o isang propesyon; na-buo upang protektahan ang mga karapatan at interes ng mga mang-gagawà.
- trade wind (treyd wind)png | [ Ing ]:halos hindi pabago-bagong hangin sa silangan na dumadaan sa mga tropiko at semitropikong bansa sa buong mundo, pangunahing mula sa hilagang silangan sa Hilagang Hemisphere, at mula sa timog sila-ngan sa Timog Hemisphere.
- tra•dis•yónpng | [ Esp tradicion ]1:pagsasalin ng mga kaugalian, paniniwala, at iba pa mula sa isang henerasyon hanggang sa susunod na henerasyon2:mata-gal nang naitatag na kaugaliang may bisà ng hindi nakasulat na batas
- tra•dis•yo•nálpnr | [ Esp tradicional ]:ukol sa, batay sa, o nakamit sa pa-mamagitan ng tradisyon
- tra•dis•yo•na•lís•mopng | [ Esp tradi-cionalismo ]1:pagsunod sa tradis-yon, lalo na hinggil sa relihiyon2:sistema ng pi-losopiya hinggil sa katotohanan o kaalamáng panrelihiyon na mula sa banal na rebelasyon at tradisyon
- tra•dis•yo•na•lís•tapng | [ Esp tradicio-nalista ]:tao na naniniwala sa tradisyon.
- tra•dis•yo•nál na po•lí•ti•kópng pnr | [ Esp tradicional+Tag na+Esp politico ]:lumang uri ng politiko, karaniwang ipinalalagay na korap