tsu•bí•bo 1: sasak-yang pangkarnabal, napakalakí at tíla nakatayông gulóng, at may mga nakasabit na mga upuán ng tao 2: sasakyang pang-karnabal, tíla nakahigang gulóng na umiikot at may mga upuáng hugis kabayo, kotse, at katulad
tsu•gî : salitâng mapanlibak, tumutukoy sa tao, bagay, karanasan, o pangyayari na hind kanais-nais o hindi nakapasá sa pamantayan ng maganda, maayos, at mabuti ng pu-mupuna.
tsu•ná•mi : malakíng alon na nabubuo sa ilalim ng dagat dahil sa lindol, pagsabog ng bulkan, o pagguho ng lupa.
tsu•tse•rí•yas 1: munting palamuti, piraso ng ala-has, at iba pa 2: laruan 3: anumang pampakítang gilas ngunit walang halaga o kabuluhan.
tú•ba : uri ng palumpong na may mga butóng pinagkukunan ng cro-ton oil na ginagamit sa pangga-gamot o lason sa isda