tú•bug : pagpapaitim o pag-mamantsa ng ngipin gamit ang itim na tinà mula sa dagta ng bayabas at mula sa mga haláman.
tud•lík : simbolo (´) na ginagamit upang ipahiwatig ang pagtatanggal ng isa o higit pang titik sa isang salita, hal bagama’t = bagaman at, ’ika nga = wika nga.
tud•líng 1: makipot na landas sa lupa na likha ng araro 2: regular na artikulong tampok sa isang pahayagan o magasin, sinusulat ng isang tanging manunulat o ukol sa isang paksa 3: hanay ng mga haláman 4: hilera o hanay ng pulutong.