• ta•lár

    png | [ ST ]
    1:
    pag-iwas sa habla
    2:
    hámon o paghámon
    3:
    pagiging maaga para sa isang bagay
    4:
    pag-papakawala sa guya upang sumuso sa inahin

  • ta•lá•raw

    png | Bot | [ Kap ]

  • ta•la•rô

    png | [ ST ]
    1:
    sa sinaunang lipu-nan, tawag sa timbangang gamit sa pangangalakal
    2:
    sa diwang pata-linghaga, pagninilay-nilay sa isang bagay

  • ta•lá•rok

    png
    :
    mga linyang tanda upang makíta o maláman ang lalim ng paglubog

  • ta•lá•roy

    png | [ ST ]

  • ta•lás

    png | [ ST ]
    1:
    paghihiwalay o pag-tatanggal ng tingting sa dahon ng palma sa pamamagitan ng patalim
    2:
    pagtabás ng yerba o sakate

  • tá•las

    png | [ ST ]
    1:
    sa patalim, kanipi-san ng talim o tulis na angkop na panghiwa o pansaksak
    2:
    sa matá, bilis ng pandamá
    3:
    sa isip, madalîng makaunawa
    4:
    pagpútol o pagtábas sa da-mit gamit ang gunting katulad ng ginagawâ ng isang mananahi
    5:
    pagdaan sa isang landas na hindi dinaraanan
    6:
    pagtanggap ng anu-man mula sa isang natalo
    7:
    handog mula sa nobyo o nobya
    8:
    paglubog ng isang bagay tulad ng poste dahil sa pagkabulok nitó o dahil sa pag-lambot ng lupa

  • ta•lá•sa•li•tà•an

    png | Lgw | [ tala+salita +an ]
    1:
    mga salitâng ginagamit ng isang pangkat ng tao, uri, propes-yon, at katulad
    2:
    talaan o kalipunan ng mga salita o parirala ng isang wika, sangay ng agham at katulad, karaniwang alpabetisado, at may kasámang kahulugan
    3:
    anumang koleksiyon ng simbolo na bumubuo sa sistema o paraan ng di-berbal na komuni-kasyon

  • ta•là sa tí•mog

    png | Asn
    :
    pinakama-ningning na talà sa konstelasyong Orion

  • ta•la•sók

    png | Med

  • ta•lá•sok

    png
    1:

  • ta•las•tás

    pnr | [ Bik Hil Kap Pan ]

  • ta•las•tá•san

    png | [ talastas+an ]
    1:
    pagbibigayan o pagpapahatiran ng kaalaman at katulad
    2:
    sistema o paraan ng pagpapalitan o pagpapa-hatiran ng kaalaman, impormas-yon, at iba pa.

  • ta•la•sú•yo

    png | [ ST ]
    :
    pagpapailalim o pagsunod sa sarili

  • ta•la•tà

    png | Gra | [ Kap Tag ]
    :
    bahagi ng isang nakasulat o nakalimbag na teksto, tumatalakay sa isang tiyak na idea at kalimitang may indentas-yon sa simula

  • ta•lá•ta

    png | [ ST ]

  • ta•la•tág

    png | [ ST ]
    1:
    pagsasaayos nang sunod-sunod, gaya ng mga hukbong nakahanay
    2:
    pinalawig na pagbabaybay o pag-iisa-isa sa mga punto na pinagkasunduan, gaya ng sa doku-mento

  • ta•lá•tak•dà•an

    png | [ tala+takdâ+an ]
    :
    grapikong representasyon, gaya ng mga pagtaas at pagbabâ ng mga di-nakapagsasariling sangkap o pu-wersa, hal ng temperatura o presyo

  • ta•la•táy

    png | [ ST ]

  • ta•lá•ti•ní•gan

    png | [ tala+tinig+an ]
    :
    listahan ng mga salita o termino sa isang larang