tango (táng•go) 1: sayaw na pangmagkapareha, binubuo ng mabagal at sumasalim-bay na mga galaw, at pabigla-bigla at mabilis na mga pagtigil 2: ang musika para dito.
ta•ngô 1: taas-babâ na paggalaw ng ulo bílang pahiwatig ng pagsang-ayon 2: pag-ugoy o paggiwang ng katawan kapag nakasakay sa sasakyang-dagat o sa kabayo.
tá•ngos 1: piraso ng lupa na nakaungos sa isang lawas ng tubig 2: pisikal na kataasan, karaniwan ng ilong.
Tá•ngos Bu•é•na Es•pe•rán•za : tangos sa dulong ilalim ng Africa at lagúsan ng mga manlalak-bay mula Europa patungong Asia o vice versa