ú•sig 1: pagsisiyasat o pag-uusisa ng isang maykapangyarihan sa sinumang pinaghihinalaang nakagawâ ng pagkakasála 2: tahól1 3: pagsunod o pagtugis
u•si•sé•ro 1: miron sa laro o sugal, mahilig magbigay ng payo kahit na hindi kailangan 2: tao na makulit o mahilig makialam
us•ngál 1: nakaposisyong palabas ang ngipin 2: hinggil sa ngipin na nása gawing itaas na tumubò nang palabas o paumbok sa bibig
u•sóg 1: kalagayang sumasakít ang tiyan na pinaniniwalaang dalá ng isang táong bumati sa kapuwa, lalo sa isang sanggol 2: sakít ng tiyan na dulot ng isang yerba na ganito ang pangalan
ú•sok 1: tíla abuhing ulap mula sa nasusunog, kumukulông tubig, o singaw ng lupa, lalo na ang nakikíta dahil sa mga particle na karbon 2: tírik1