• zebra finch (zéb•ra fínts)
    png | Zoo | [ Ing ]
    :
    uri ng ibon (Poephila guttata) na may itim at putîng guhit sa mukha, karaniwang matatagpuan sa Australia.
  • zebu (zé•byu)
    png | Zoo | [ Fre ]
    :
    maamong ox (Bos indicus)na may malalakíng umbok sa balikat at nakatatagal sa init at tagtuyot.
  • Zebulun (zé•byu•lún)
    png | [ Ing ]
    1:
    sa Bibliya, anak nina Jacob at Leah
    2:
    tribu sa Israel na nagmula sa kaniya.
  • Zechariah (ze•ka•rá•ya)
    png | [ Ing ]
    1:
    sa Bibliya, batàng propeta noong ika-6 na siglo B.C.
    2:
    aklat sa Bibliya na naglalamán ng kaniyang mga propesiya.
  • Zedekiah (ze•dék•ya)
    png | Bib | [ Ing ]
    :
    ang hulíng hari ng Judea, nag-aklas laban kay Nebuchadnezzar.
  • zedoary (zéd•wa•rí)
    png | [ Ing ]
    1:
    halámang Indian (Curcuma zedoaria) na may aromatikong risoma
    2:
    substance na gawâ mula dito, at nagagamit na gamot, pabango, o pantina.
  • Zeeman effect (zí•man e•fék)
    png | Pis | [ Ing ]
    :
    ang paghihiwalay ng linyang espektro sanhi ng paglalagay ng radyasyon sa larang magnetiko.
  • zein (ziyn)
    png | Bio | [ Ing ]
    :
    ang pangunahing protina sa mais.
  • zeitgeist (tsít•gist)
    png | [ Ger ]
    1:
    ang espiritu ng panahon
    2:
    pangkalahatang moda ng pag-iisip sa isang tiyak na panahon.
  • Zen
    png | [ San ]
    :
    sa Budismo, kilusang Mahayana na nagtuturo sa pag-abot ng kaliwanagan sa pamamagitan ng meditasyon at intuwisyon, sa ha-lip na pagsamba o pag-aaral ng mga banal na kasulatan.
  • ze•ná•na
    png | [ Hin ]
    :
    sa India, bahagi ng bahay para sa mga babaeng kasapi ng pamilya.
  • zenith (zé•nit)
    png | [ Ing ]
    1:
    bahagi ng esferang pangkalawakan na tuwirang nása ibabaw ng isang nag-mamasid
    2:
    pinakamataas na punto o estado.
  • zenith distance (zé•nit dís•tans)
    png | Asn | [ Ing ]
    :
    ang distansiyang anggu-lar mula sa zenith ng isang esferang pangkalawakan túngo sa isa pa, at sinusúkat sa isang malakíng bilog na perpendikular sa kalawakan
  • zeolite (zi•ó•layt)
    png | [ Ing ]
    :
    alinman sa bílang ng mga mineral na bumu-buo sa hydrous silicate ng calcium, sodium, at aluminum.
  • Zephaniah (zé•fa•ná•ya)
    png | Ing
    1:
    sa Bibliya, batàng propeta noong ika-7 siglo BC
    2:
    aklat sa Bibliya na naglalamán ng kaniyang mga propesiya.
  • zephyr (ze•fír)
    png | [ Ing ]
    1:
    kaaya-ayang simoy
    2:
    alinman sa mga bagay na pino, magaan, de-kalidad, gaya ng tela, at katulad.
  • zé•ro
    png | [ Ing ]
    1:
    a ang pigurang 0 b walang kantidad o bílang
    2:
    punto sa eskala ng instrumento , na kumakalkula sa positibo o negatibong kantidad
    3:
    oras upang simulan ang isang operasyon, lalo na sa militar
    4:
    ang pinakamababàng punto.
  • zeroth law of thermodynamics (zé• rot lo of tér•mo•day•ná•miks)
    pnr | [ Ing ]
    :
    prinsipyo na nása katulad na kalagayan ang pangatlong sistema sa thermal equilibrium na may dalawang pangunahing sistema.
  • zest
    png | [ Ing ]
    1:
    anumang sangkap na idinadagdag
    3:
    bahagi ng naranha o lemon na ginagawâng sangkap.
  • zé•ta
    png | [ Gri ]
    :
    ikaanim na titik sa alpabetong Griyego.