a·ba·rú·ray : sayaw na pandalawahan, ginaganap na malayo sa isa’t isa at masigla ang pagkilos ng mga paa at kamay
á•bat 1: anumang sobrenatural o mahiwagang tao na may pambihirang lakas o kapangyarihan na ipinapakíta sa hindi inaasahan o nakagugulat na paraan 2: tayâ sa laro
a•báy 1: ipagpilitan ang isang bagay 2: lumakad o mahiga nang magkadikit 3: sumali o maging bahagi ng isang pangkat o gawain
á•bay 1: iginagalang na kasamahan 2: tao na katambal o kapareha 3: pangunahing katuwang ng mga ikinakasal 4: babaeng nagsisilbi sa prinsesa o reyna 5: amá1 6: balsá1