á•kab 1: paraan ng pagtanggal ng hangin sa lamán sa pamamagitan ng bentósa 2: kalagayan ng pagiging lápat 3: uka sa gilid ng kahoy 4: bútas o siwang sa tagiliran, gaya ng sa sasakyang-dagat 5: tibág sa isang malakíng bató o sa pasigan ng isang ilog , 6: ngatngát
a•ka•dé•mi•kó 1: hinggil sa edukasyon at iskolarsip 2: hinggil sa akademya 3: sa isang institusyon o pag-aaral, nagbibigay ng higit ng pagpapahalaga sa pagbabasá at pag-aaral kaysa teknikal o praktikal na gawain 4: sa tao, may malalim na interes o nagpapamalas ng kahusayan sa mga gawaing pang-edukasyon 5: sa likhang-sining, kumbensiyonal, lalo na sa paraang ideal o labis na pormal
a•ka•dém•ya 1: pook para sa pag-aaral o pagsasanay sa isang espesyal na larang 2: lipunan o institusyon ng mga kilaláng iskolar, artist, o siyentista na naglalayong palaganapin at panatilihin ang pamantayan sa isang tiyak na larangan 3: academe
ák-ak 1: putók o malakíng biyak sa haligi o poste 2: kumuha ng kamoteng kulang pa sa panahon 3: langitngit ng binibiyak na buhô o kawayan 4: bosyò