a•mí•da : halòng nabu-buo mula sa amonya, sa paghalili ng isa o higit pang-atom ng hydrogen ng isang metal o isang acyl radical
a•mí•han 1: malamig na hanging gáling sa hilaga o hilagang silangan 2: simoy na gáling sa bundok patúngong kapatagan
á•min : panghalip panaong ma-ramihan, unang panauhan, nása kaukulang paari, at pauna ang pagkakalagay; salitâng kumakatawan sa ngalan ng mga taong nag-aari o kinauukulan ng bagay, gawain, o pangyayaring binabanggit ngunit hindi sumasaklaw sa kausap
amine (á•min) : compound na nabubuo mula sa amonya sa pamamagitan ng pagpapalit sa isa o higit pang atom ng hydrogen ng isang organikong radikal