a•má•tong 1: kamalig ng palay 2: patúto1 3: paraan ng panghuhúli ng alimango sa pamamagitan ng paing kinudkod na niyog
á•may 1: tumatayông pangalawang namumunò sa pamayanan 2: kabutihan o biyayang hinihingi sa pagdarasal 3: ága1
am•bág 1: pagbibigay ng salapi, oras, kaalamán, o tulong kasáma ng ibang tao para sa kawanggawa 2: anumang ibinigay para sa pangkalahatang pondo o suplay 3: anumang orihinal na akda na ilalathala para sa isang magasin o publikasyon