areola (a•rí•o•lá) 1: may kulay na guhit sa paligid, hal areola ng utong 2: maliit na espasyo tulad sa pagitan ng mga ugat ng dahon o pakpak ng kulisap
a•rés•to 1: paghúli sa isang suspek sa krimen, lalo na sa bisà ng legal na awtoridad 2: hinto o paghinto
ar•gáw : uri ng halámang-gamot; ang búkag ay pinakukuluan at ipinaiinom laban sa sakít ng tiyan at ang dahon ay gamot sa agihap
ar•gól•ya 1: maliit at bilóg na metal na sinasabitan ng kortina 2: malakíng singsing na bakal, karaniwang ginagamit ng mga akrobat 3: pagsasanay sa akto ng pagganap ng isang argolyador
Argonaut (ár•go•nót) : pangkat ng magigiting, kasáma si Jason na naglayag upang hanapin ang ginintuang lana