áy•tem 1: alinman sa mga nakalistang bagay 2: isang lahok sa isang account 3: isang kalakal 4: hiwalay o bukod na bahagi ng balita, impormasyon, at iba pa
a•yu•dán•te 1: kawaksí 2: noong panahon ng Espanyol, kawaksing guro 3: opisyal na nagsisilbing katuwang ng pangunahing opisyal sa pagbibigay ng utos
a•yún•tam•yén•to : noong panahon ng Espanyol, sangguniang panlungsod o ang gusali para sa mga kasapi at empleado ng sanggunian
ay•yúd : basket na may malalakíng bútas at ginagamit sa pagpapatuyô ng nahugasang pinggan at gamit pangkusina
ay•yú•ding : instrumentong yarì sa isang pútol ng kawayan, may dalawang magkatabíng kuwerdas na inukit at iniangat sa balát ng kawayan, tinutugtog sa pamamagitan ng paghataw ng patpat sa mga kuwerdas