bá•ngol 1: paghingi ng paumanhin sa pamamagitan ng pagdidiin ng sisi sa ibang tao 2: batàng laláki na palaging nagrereklamo at nagagalit kapag siya ay tinatawagan ng pansin 3: sísi1 o paninísi
bá•ngon 1: kilos mula sa pagkakahigâ o pagtulog 2: kilos na gaya ng pagtatayô ng gusali o pagtatatag ng kapisanan 3: himagsik4 o paghihimagsik
bá•ngot 1: busál 2: lawin na nakagagawâ ng pugad mula sa mga tuyông yerba 3: isda o karneng pampalasa
ba•ngú•ngot 1: masamâng panaginip na maaaring humantong sa pagkamatay 2: talìng nagbibigkis at nagpapahigpit sa pantukod ng bubong
ba•ngús : isdang-alat o isdang-tabáng (Chanos chanos) na may pino at kulay gatas na kaliskis; pambansang isda ng Filipinas
bá•ngut 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, busál 2: sa sinaunang lipunang Bisaya, tatô na inilalagay sa mukha, tulad ng maskarang nakatatakot