ba•ra•ngáy 1: balangáy1 at batayan ng makabagong yunit pampolitika 2: pinakabatayang yunit ng panga-ngasiwa sa gawaing pampolitika ng pamahalaan; kapulungan ng mamamayan sa nayon at purok ng bayan
ba•ráng•ka 1: bangín 2: pag-akyat sa isang matarik na bundok, burol, at iba pang katulad na mataas na pook
bá•ras 1: anumang pahabâ at matibay na metál 2: a laro na nagbibitin sa isang putol ng túbong bakal na may tukod sa magkabilâng dulo b túbong gina-gamit sa larong ito 3: pares ng mahabàng kahoy o kawayan sa unahán ng kariton o kalesa na pinagsisingkawan ng humihilang hayop
Barasoain : simbahan ng Malolos, Bulacan na pinagdausan ng pulong ng Kongreso ng Rebolusyonaryong Pamahalaan at ng Inagurasyon ng Unang Republika ng Malolos sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo noong 1898