bá•ga-bá•ga : isdang-alat (family Holocentridae) na makináng, matigas, at matibò ang kaliskis, matinik ang ulo, at tumitirá sa mga korales
ba•gá•kay 1: uri ng kawayan (Schizos lumampao) na ginagamit , na sumpit o kayâ’y bakod sa baklad; itinuturing na pinakamaliit, pinakamalambot, ngunit may pinakamahabàng biyas na kawayan 2: paléndag 3: pampakintab na katulad ng mula sa punongkahoy na box.
ba•gak•bák 1: pagsalunga laban sa malakas na hangin o mala-king agos o ang bangkang napigil ng ganitong pangyayari 2: malimit ngunit maliit na patak ng tubig, ulan, o pawis.