ba•tí•no : punongkahoy (Alstonia macrophylla) na mapusyaw na dilaw ang bulaklak, pahabâ ang bunga, at maliit ang butóng mabalahibo
bá•tis 1: daloy na nanggagáling sa bukal o ang mun-ting ilog na nabubuo sa ganito 2: anumang dumadaloy o ang katangian nitó, hal batis ng kasaysayan
ba•ti•tí•nan : maliit hanggang malakí-lakíng punongkahoy (Lagerstroemia piriformis) na kulay kape ang tabla, may malagong mga bulaklak na kulay lila, katutubò sa Filipinas
ba•tó 1: matigas na substance at binubuo ng mineral 2: kongkreto3 3: tampok sa hiyás, gaya ng diyamante, brilyánte, rubí, at katulad 4: a rinyón b bató sa rinyon 5: anting-anting 6: shabu 7: anumang may kalidad ng bató