ba•li•ga•yà : laro ng kalalakíhan kapag may kasalan na pagandahan ng kilos at paramihan ng palakpak hábang nagbabayo ng palay
ba•lig•tád 1: nása labas ang dapat nása loob, halimbawa sa baligtad na damit 2: balintuwád 3: iba pang katulad na magkapalit na ayos o katayuan
ba•lig•yâ 1: tao na pumupunta sa bahay-bahay para maglako ng paninda 2: pakikipagpalitan ng kalakal o serbisyo sa ibang kalakal o serbisyo nang hindi gumagamit ng salapi