bá•lit 1: alinman sa kaanak ng pusa, mailap man o maamo, na may iba’t ibang kulay ang bahagi ng katawan 2: alupág
ba•lí•tang 1: pansúkat ng lupa, at isang balítang ang sampung dipang lapad at sandaang habà 2: kasangkapan sa pamimingwit ng isda 3: baitáng 4: mahabàng papag 5: púke
ba•li•tang•táng : piraso ng kahoy na inilalagay malapit sa bunganga ng bangâ at nagsisilbing tatangnan
ba•lit•bí•tan : uri ng punongkahoy (Cynometra ramiflora) na ornamental, tumutubò sa mga baybayin sa buong Filipinas