ba•log•bóg 1: karneng lomo, gulugod ng hayop 2: pagbugbog sa isang tao sa pamamagitan ng pagpalò sa bahaging likuran ng katawan
bá•lok 1: malambot, manipis, at panloob na balát ng itlog o bungangkahoy 2: uri ng kasuotan na yarì sa balát ng mga ilahas na punongkahoy 3: uri ng makapal na lubid na ginagamit sa sasakyang-dagat