Bá•gong Ti•pán : dalawampu’t pitóng aklat sa Bibliya na nagtatalâ ng búhay, ministro, kamatayan sa krus, at muling pagkabúhay ni Hesukristo at ang mga turo ng Kaniyang mga apostol
ba•gó•ok 1: mabaón nang bahagya mula sa mataas na pagkakalaglag, tulad ng niyog na bagóok sa putikan 2: dagook.
ba•go•óng : napakatagal bago dumatíng o napakatagal naghintay hal nabagoong ang dáratíng na kalakal o nabagoong sa paghihintay.
ba•gót 1: pagkayamot sa isang bagay na nakasa-sawà na sa pandinig o paningin 2: pag-ubos o pag-aksaya sa isang bagay 3: dahon ng isang halámang tubig.