ba•hâ 1: pag-apaw ng lumaking tubig mula sa normal nitóng lugar túngo sa karatig na lugar, karaniwang dulot ng malakas na ulan, daluyong, at katulad na kalamidad 2: katulad na pangyayari hal bahâ ng tao sa lansangan
bá•ha 1: ibabâng bahagi 2: pagbabâ ng halaga o presyo 3: pagbabâ sa pagpapahalaga ng kapuwa tao 4: pagtigil ng rasyon.
ba•ha•là 1: salitang-ugat ng pamamahalà 2: responsabilidad o pananagutan 3: taong responsable 4: karaniwang dinudugtungan ng na at nagpapahiwatig ng pagtanggap sa maaaring mangyari; mangyari na ang mangyayari 5: sandaang milyon.
ba•ha•lí•na : tubâ na nilagyan ng barok, pinatanda, at mga dalawang araw na kayâ mapait-pait at maasim-asim ang lasa