bá•nak : isdang-alat (family Mugilidae) na malapad ang ulo, may lambi ang palibot ng matá, at manipis at makinis ang labì, tinatawag na ágwas kapag nangingitlog at talilong kapag maliit pa
ba•ná•kal 1: ibabaw ng isang kapuputol na kahoy matapos alisán ng balát 2: panit o balakbak ng binalatang bungangkahoy