ba•tí•kos 1: pagpuna o pagtuligsa sa kapuwa, karaniwan sa publiko 2: nakalalasong kombinasyon ng arseniko at asupre
ba•ti•ku•líng 1: punongkahoy (Litsea glutinosa) na habilog ang dahon, dilaw ang bulaklak, at bilóg ang bunga 2: punongkahoy (Paralstonia clusiacea) na matigas at ginagawâng tabla at aparador
ba•ti•kúng•kong : alarma na gawâ sa bumbong ng kawayan, pinupukpok sa gabi kung may panganib o magnanakaw
ba•ti•ngáw : isang hungkag na bagay, karaniwang bakal at may hu-gis na tíla binaligtad na tása, na nagdudulot ng tunog kapag pinalò o pinatunog sa pamamagitan ng bakal na nakalawit sa loob
ba•ting•tíng 1: kaputol na metal na binaluktot sa anyong tatsulok at kinakanti ng isang pirasong metal upang tumunog 2: triangle2
ba•tí•no : punongkahoy (Alstonia macrophylla) na mapusyaw na dilaw ang bulaklak, pahabâ ang bunga, at maliit ang butóng mabalahibo