ba•tó 1: matigas na substance at binubuo ng mineral 2: kongkreto3 3: tampok sa hiyás, gaya ng diyamante, brilyánte, rubí, at katulad 4: a rinyón b bató sa rinyon 5: anting-anting 6: shabu 7: anumang may kalidad ng bató
ba•tón 1: manipis na patpat, ginagamit ng tagakompás sa pagmamando ng orkestra, koro, at katulad 2: sa karerang relay, maikling patpat o túbo na dinadalá at ipinapása ng mga mananakbo 3: mahabàng patpat na dinadalá at pinaiikot ng bastonera o tambol-mayor 4: baston ng isang pinunò o awtoridad 5: batutà 6: sagót1