ba•tóng-á•pog : batóng banlik na binubuo ng calcium carbonate na nabubuo sa pamamagitan ng mga kalansay ng mga maliliit na organismo sa dagat at korales
ba•tóng-ka•wá•yan : malabubog, karaniwang maputî at makináng, na nakukuha sa loob ng biyas ng kawayan
ba•tóng-páng•hí•lod : bató na ginagamit na pangkuskos sa katawan kung naliligo upang maalis ang libag
ba•tó•tok 1: maliit at punggok na loro (Bolbopsittacus lunulatus) na may lungti at dilaw na kulay 2: matsíng
ba•tó•toy 1: lamandagat (Arca antiquata) na karaniwang matatagpuan sa mababatóng bahagi ng dagat 2: tawag sa batàng paslit