bí•lik 1: pansamantalang andamyo na nagagayakan sa pagitan ng dalawang bahay kapag may pista o kasalan 2: bahagi ng bulwagan ng isang bahay, nakaungos, at tumutunghay sa harapán o hardin 3: silíd
bi•líng 1: paggalaw ng katawan o ng isang bagay upang mapaibabaw ang panig na nása ilalim; pagbaligtad 2: píhit1 o pagpihit 3: pagguhit 4: pagkakamalî
bi•ling•gu•wál 1: matatas na nakapagsasalita sa dalawang wika 2: sinalita o nakasulat sa dalawang wika