binary (bay•ná•ri) 1: dálawáhan 2: kaugnay ng isang tambalan 3: kaugnay sa sistemang aritmetiko na gumagamit ng dalawa bílang base
bí•nat 1: panunumbalik ng karamdaman dahil sa kawalan ng pag-iingat 2: paglalâ ng kondisyon ng pasyente pagkaraang gumalíng nang bahagya
bi•na•tóg 1: nilagang butil ng mais na karaniwang kinakaing may kinayod na niyog at asin 2: puláng tandáng na pinalakí bílang agimat laban sa panggugulo ng mga hindi nakikítang nilaláng
bi•na•yá•bey : ritwal ng paglalakbay sa gilid ng bundok upang pabalikin ang kaluluwa ng isang tao na may sakít o nababaliw