bin•yág 1: ritwal ng pagbubuhos ng tubig ng pari o ministro sa isang sanggol o tao bílang tanda ng pagiging Kristiyano 2: pagbibigay ng pangalan sa tao sa ganitong seremonya 3: pagbabanto ng tubig 4: pagtuli ng isang laláki 5: unang pagdanas o pagsubok
bin•yá•gan 1: handaan dahil sa isang pagbibinyag 2: bawtisteryo 3: Kristiyano 4: tao na nakalagpas sa pagsubok
bin•yé•ta 1: maikling kathang pampanitikan 2: munting larawan o disenyong pampalamuti na ginagamit sa páhináng may pamagat at nása simula o dulo ng kabanata 3: larawan, retrato, o katulad na nagpapakíta ng ulo at balikat lámang at unti-unting pumupusyaw ang background
biogas (bá•yo•gás) : uri ng substance na nakalalason, mula sa inimbak at binulok na organikong bagay, at nagagamit na panggatong
bionic (ba•yó•nik) : may artipisyal na bahagi ng katawan o dahil dito, may lakas na higit sa karaniwan
biotin (báy•o•tín) : bitaminang mula sa kristalina (C10H16 N2 O3S) na kabílang sa bitamina B complex, laganap sa tissue ng halá-man at hayop, mahalaga sa pagpigil ng pagkamatáy ng hayop kapag lumabis ang pagkain ng putî ng itlog