birth control (berth kon•tról) 1: pagpigil sa pagdadaláng-tao sa pamamagitan ng paggamit ng likás o hindi likás na paraan 2: pagtatakda sa dami ng magiging anak
bir•túd 1: púring malinis o dalisay 2: katangiang kahanga-hanga 3: bisà4 4: kakaibang kapangyarihan o kahusayan 5: antíng antíng
bir•tu•wó•so 1: sumusunod sa mga prinsipyo ng moralidad 2: bírhen2 3: may espesyal na kaalamán at kasanayán sa isang larang 4: mahusay sa musika at pagtugtog ng instrumento 5: may natatanging pagtangkilik sa sining at musika bílang kolektor ng antigo, larawan, eskultura, at katulad
bi•ru•lén•si•yá 1: pagiging makamandag 2: pagiging malubha 3: pagiging malisyoso 4: matinding gálit 5: kakayahan ng mikroorganismo na magdulot ng sakít
bi•ru•lén•to 1: mabagsik na bisà, gaya sa lason 2: lubhang nakahahawa; nakamamatáy na sakít 3: marahas o mapait 4: matindi ang pagkamalisyoso at panghahamak
bi•sà 1: bagay na dulot ng isang sanhi o puwersa 2: bagay na sumusunod sa isang nakaraan 3: resulta o bunga ng layunin o intensiyon 4: takdang panahon ng pag-iral 5: husay ng dulot na bunga o epekto 6: íbig1,2
bi•ság : uri ng maliit na ibon na abuhing kayumanggi ang balahibo, at namumugad sa batuhán sa pasigan
bi•sak•lát 1: kakatwang anyo kapag námalî ng hakbang 2: todas sa madyong sa simula ng laro 3: pálo ng sasakyang-dagat na gawâ sa kawayan o kahoy