bi•yá•ti•kó : eukaristiya o ostiyang isinusubò ng pari sa maysakít pagkatapos mangumpisal kapag malapit nang mamatay
bi•yáy 1: pansamantalang pagbababad ng isda sa tubig upang manatiling buháy 2: mababaw na trey na nilalagyan ng tubig at pinagpapatúngan ng sisidlan ng pagkain upang hindi langgamin
Bi•yér•nes Sán•to : sa mga Kristiyano, ang Biyernes bago ang Linggo ng Pagkabúhay at gumugunita sa pagkakapakò sa krus ni Kristo; tradisyonal na araw ito para sa pag-aayuno at penitensiya