bú•ti 1: katangiang ikinasisiyá ng kapuwa tao at umaa-linsunod sa pamantayang moral ng lipunan, hal katapatan, pagiging matulungin, pagiging magálang 2: kalagayang maayos at maganda 3: pagbalik ng lakas o kalusugan mula sa karamdaman 4: bulutong, ketong para sa mga Tinggian 5: ganda o kagandahan 6: palamuti o pagpapa-lamuti
bú•til 1: maliit at matigas na butó ng halámang gaya ng mais, palay, at trigo 2: maliit, binilog, at pinikpik na masa ng isang bagay 3: pinakamaliit na posibleng laki o dami ng isang bagay, gaya ng buhangin, ginto, at katulad 4: abalóryo 5: pildorás
bu•ting•tíng 1: labis na pagbusisi sa mga hindi mahalagang detalye 2: paghawak o paggawâ ng isang bagay na parang naglalaro lámang