da•án 1: pook na nauukol sa paglakad o pagtakbo ng tao, hayop, o sasakyan patúngo sa isang pook 2: bakás o palatandaang naiwan sa pagdaraan 3: sanhî1 4: paraan o sistema 5: pamílang na katumbas ng sampung sampu
da•á•nan 1: makipot na lagusan 2: ruta ng bapor, eroplano, at iba pang sasakyan 3: sa karera, takdang puwang para sa bawat kalahok 4: pook na inihanda o ibinukod upang malakaran, gaya ng bangketa o pasilyo