da•gà 1: sa sinaunang lipunang Bisaya, ritwal ng pag-aalay na isinasagawâ bago dumaong ang bangkang sasalakay 2: lupà1 3: pagpupuyat
da•gâ : mapagngatngat na hayop (genus Rattus) na humahabà nang 25.38 sm, maikli ang nguso, at nakatirá sa lungga
da•gal•dál 1: mag-utos nang may dahas, tulad ng pagtulak, o malakas na paghagis ng isang bagay na mabigat 2: ingay ng isang bagay na mabigat at hinihila sa isang rabaw