da•la•wá 1: pamílang na katumbas ng isa at isa 2: salitâng bílang para sa 2 o II 3: pagkakasáma ng dalawa; isang pares
da•la•wam•pû 1: pamílang na katumbas ng dalawang sampu 2: salitâng bílang para sa 20 o XX 3: katipunan ng ganito karaming tao, bagay, at iba pa
da•lá•wit 1: bakal o anumang ginagamit na panghalikwat 2: pang-ipit o pandiin upang mapamalaging matatag ang tapal sa bútas ng atip 3: dáwit1