da•pâ 1: kamálig1 2: uri ng isdang-alat (order Pleuronectifor-mes) na nakatirá sa pusod ng dagat, parang pinitpit ang katawan, at nása isang panig lámang ang dalawang matá
da•pâ 1: humiga nang pataob 2: mabuwal nang paharap 3: ilatag ang isang bagay na mahabà sa sahig 4: sumuko; matalo 5: malugi
da•pâng-ha•bâ : maliit hanggang malakí-lakíng isdang-alat (family Cynoglossidae) na sapád ngunit bahagyang pahabâ ang katawan, walang palikpik pektoral at nakadugtong sa buntot ang mga palikpik sa likod at sa tiyan