da•rán 1: manumbalik ang sumpong 2: masiraan ng bait 3: ulit-ulitin ang pagpapakíta ng kalokuhan 4: sabihin ang salitâng hindi pina-hihintulutang sabihin
da•ráng 1: pagdadait sa bága o apoy upang maluto, matuyo, o mainitan 2: bisà ng matamang pakikiusap o paglapit na nakatutukso 3: pagpapakíta ng magaspang na ugali o pagmamalakí 4: tapá1
da•ra•pàng-bi•lóg : maliit hanggang malakí-lakíng isdang-alat (family Bothidae), kahawig ng dapâ, nása kaliwang panig ng ulo ang dalawang matá
da•rás 1: kasangkapang may talim na pahabâ at malapad, yarì sa bakal o asero, at may hawakang kahoy 2: límit1