di•wà 1: ang katuturan ng anuman; ang kalikasan ng anumang bagay 2: ubod ng katwiran 3: kaluluwá1 4: buod ng pahayag; kahulugan1
di•wa•rá 1: pagiging lubhang maingat at labis na sinusuri ang kaliit-liitang detalye 2: pagbabago ng kapalaran mula mabuti túngo sa masamâng kalagayan
di•wa•tà 1: sinaunang babaeng bathala, sinasamba sang-ayon sa pangangailangan ng mga tao 2: babaeng may pambihirang kagandahan 3: babaeng hinahangaan o iniibig