dosage (dó•seyg) 1: pagbibigay ng gamot ayon sa dosis 2: sukat ng gamot na ibinibigay sa isang oras o panahon
dó•sis 1: pagbibigay ng gamot ayon sa sukat na kailangan ng maysakít 2: súkat o dami ng gamot na dapat ibigay sa bawat pagpapainom 3: kantidad ng anumang ibinigay o ibinahagi 4: dami ng radyasyong may ion na nakuha ng isang tao 5: impeksiyong venereal
dos por dos : kahoy na 5.08 sm ang kapal at lapad, karaniwang tawag sa pamalòng ginagamit sa pagpaparusa
dossier (dós•syir) : set ng mga dokumento, lalo na ang koleksiyon ng impormasyon tungkol sa tao, pangyayari, o paksa