eks•tré•ma un•si•yón : sa simbahang Katoliko Romano, ang sakramento ng pagpapahid ng langis sa may sakít, lalong-lalo sa may malubhang karamdaman at malapit nang mamatáy
Éks•tre•mé•leng•gó•les! : pahayag ng gúlat o pagkagúlat, tákot o pananákot, at katulad na malalakíng damdamin; bahagi ng karaniwang ginagamit na pahayag na “Ekstremelonggoles magkabilâ’y tulis”
e•ku•mé•ni•kó 1: pangkalahatán 2: hinggil sa buong simbahang Kristiyano 3: hinggil sa pagkakaisa ng mga Kristiyano 4: hinggil sa kilusang ekumeniko 5: hinggil sa pagtitipon ng iba’t ibang relihiyon o sekta 6: hinggil sa magkakasanib na elemento at sangkap